smallribbon

Para sa minamamahal naming Tita Cory…

Kami po ay nangungulila sa inyong pagpanaw– parang nawalan ng mabuti at mabait na inang nakasama namin sa hirap at saya.  Tila kami naman ngayon ang nag-iisa. Masakit man ito ngunit maligaya rin kami sapagkat kayo ay nasa matiwasay na kalagayan na ngayon– ligtas  sa kalupitan dulot ng inyong naging karamdaman.  At dahil kapiling ka na rin ng Poong Maykapal, taos-puso naming hiling na sana ay maligaya at mapayapa na kayo sa inyong kinalalagyan.  At dahil alam naming malapit kayo sa Kanya, nawa’y ipagpatuloy ninyong ipagdarasal na sana matamo na ang inyong mga pangarap para sa inang bayan.  Nanalangin din kami na sana sa aming pagsisikap bilang mamamayan at taong-bayan na maitaguyod na rin namin ang mga ito para sa inyo sapagkat ang mga pangarap ninyo ni Ninoy ay mga pangarap din namin.

Maraming, maraming salamat po sa lahat….

-SL

pastelcory2 copy

Maria Corazon Cojuangco Aquino

11th President of the Republic of the Philippines

1933-2009

Advertisements